Sa panayam kay Elvira Ronquillo, Focal Person ng tala sa ginanap na 3rd quarterly meeting sa bayan ng Gabaldon, sinabi nito na bukod sa pagpapatatag ng samahan ay layunin rin nito na magkaroon ng tiwala sa sarili ang mga kababaihan, madagdagan ang kanilang kaalaman, maging active at makilahok sa mga programa sa komunidad.

3rd Quarterly Meeting ng Tanglaw at Lakas ng Nueva Ecija (TALA) sa bayan ng Gabaldon.

Sa pamamagitan ng Malasakit Livelihood Program ng pamahalaang panlalawigan ay nakatutulong hindi lamang sa kanilang pamilya ang mga babae kundi maging sa kanilang komunidad dahil sa kinikita ng mga ito.

Samahang Kababaihan ng Gabaldon (SKNG)

Sa kasalukuyan ay patuloy ang pagsasagawa ng iba’t ibang trainings para sa kababaihan gaya ng paggawa ng tinapay, mga basahan, pananahi, perfume, paggawa ng mga sabon gaya ng  dishwashing liquid, paggawa ng mga kandila, kendi, tsaa o salabat mushroom production  at achara na suportado ng provincial government katuwang ang ibang institusyon at ahensya ng gobyerno.

Mga produktong gawa ng Samahan ng Kababaihan ng Tanglaw at Lakas ng Nueva Ecija (TALA)

Dinala rin ng mga kababaihan ang kanilang mga produkto sa bayan ng Gabaldon na tinangkilik din naman ng mga kapwa nila miyembro ng Tala. –Ulat ni Getz Rufo Alvaran