Matapos ang apatnaputlimang araw na pagsasanay ng Basic Military Subjects ay masayang nagsipagtapos ang Jungle Warfare Mountain Operation Course o JWMOC Class 03-19 bilang mga bagong sundalo ng philippine army na ginanap sa Fort Ramon Magsaysay, noong October 24,2019.
Sa loob ng halos apat na buwan na pagsasanay ay itinuro sa kanila ang Battle Drills para sa Combat Operations, Hydro Operations, Civil Military Operations at Intel Operations.
Nagkaroon din sila ng pagsasanay sa Map Reading, First Aid, Weapons Familiarization, Marksmanship, Survival, Jungle And Mountain Operations, Water Crossing, Rope Tying at Close Air Support.
Sa aming panayam kay Assistant Chief Of Staff For Education And Training Thomas Baluga, sinabi nito na nakatakdang ipadala ang mga bagong sundalo sa iba’t ibang mga battalions upang magamit ang mga natutunan nila sa training.
Kasabay ng pagtatapos ng limamput’siyam na sundalo ng Class 03-2019 ay ang pagpasok naman sa training ng isangdaan at siyamnaput’dalawang Aspiring Soldiers ng JWMOC Class 04-2019.
Matapos ang Joint Ceremony ng Closing JWMOC Class 03-19 at opening ng JWMOC Class 02-19 ay masayang nagsalo-salo para sa ‘Boodle Fight’ ang mga sundalo. ulat ni Myrrh Guevarra