PERFORMANCE SA SEMI-FINALS NG FIL-AM YOUNG SINGER ANGELICA HALE, ABANGAN BUKAS

Nanawagan ang Fil-Am Young singer na si Angelica Hale na dapat abangan ang kanyang amazing and really powerful na performance sa semi-finals ng America’s Got Talent bukas  alas-nuebe ng gabi.

Excited si Hale sa kanyang magiging performance sa nasabing petsa.

Hindi man binanggit ng 9 year old singer ang kanyang aawitin ay inaabangan pa rin ito ng mga sumusuporta sa kanya.

JAPAN, NAGHAHANAP NG MGA INTERN TRAINEE

Para sa mga kababayan nating naghahanap ng trabaho, muling magsasagawa ng Special Recruitment Activity (SRA) ang Philasia Human Resources, Inc. para sa mga interesadong magtrabaho bilang intern trainee sa Japan.

Ang mga posisyon na inaalok ay welder at machine operator at mga trabaho sa food manufacturing, cattle and hog raising at farm/poultry.

Magdala ng resume at kopya ng inyong birth certificate na gaganapin sa September 15, 2017, ganap na 8:30 ng umaga, sa opisina ng Public Employment Service Office (PESO) Llanera.

Ang SRA ay isang serbisyo publiko ng pamahalaang bayan ng Llanera.

 

Itutuloy na ang barangay at sangguniang kabataan election matapos maaprubahan sa ikalawang pagbasa sa mababang kapulungan ng kongreso ang panukalang ipagpaliban muna ito hanggang sa mayo 2018.

ang nasabing panukala ay inis-sponsoran ni house committee on suffrage and electoral reform chairman sherwin tugna sa plenar­yo noong nakaraang huwebes.

Kaugnay nito, ngayong linggo ay inaasahang pagtitibayin na sa ikatlo at huling pagbasa ang nasabing panukala. Isasagawa ang eleksyon sa ikalawang lunes ng mayo 2018 kung saan lahat ng mga incumbent barangay officials ay mananatili sa kanilang puwesto- ulat ni Getz Alvaran

Nagpapasikip ng daanan at paradahan ang  ginagawang side walk stall sa gilid ng bagong palengke ng bayan ng guimba.

Ito ay isa lamang sa obserbasyong nakikita araw araw ng ilang concerned citizens na laging dumadaan sa lugar na ito na humihiling na magkaroon ng maayos na daanan o sidewalk/pasilyo.

Dagdag pa dito ang mga walang pakundangang pagpaparke ng mga single na motorsiklo at service vehicle.lalo na kapag araw ng palengke, punung-puno ng mga tricycle ang naturang side walk at halos wala umanong espasyong madaanan.

Samantala, itatayo ang side walk stall sa magkabilang gilid ng palengke na may 48 tindahan– ulat ni Getz Alvaran