Napuno ng hiyawan at tawanan ang Dr. Jose Lapuz Gymnasium kahapon dahil sa Bingo Bonanza na naghatid ng saya at mga papremyo para sa libu-libong mamamayan sa bayan ng San Antonio.

Hindi mahulugang karayom ang Dr. Jose Lapuz Gymnasium dahil sa libu-libong dumagsang mamamayan ng San Antonio para sa Bingo Bonanza ng pamahalaang panlalawipamahalaang panlalawigan.
Iba’t-ibang papremyo ang handog ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Czarina “Cherry” Umali at sa pakikipagtulungan ni Mayor Arvin Salonga para sa mga taga San Antonio. Kabilang sa mga papremyong ito ay ang grocery bag (200), mountain bike (4), sako ng bigas (10), refrigerator (2), washing machine(10), gas stove (30), rice cooker (10), electric kettle (20) at electric fan.

Kabilang sa mga inihandang papremyo sa Bingo Bonanza ang apat na mountain bike.
Lalo pang sumigla ang mga taga San Antonio nang sabihin ang ipinadalang cash prize ng ina ng lalawigan na nagkakahalaga ng P100,000. Bukod pa rito ay nagbigay din si Mayor Salonga ng P20,000 na cash prize.

Mababakas sa mga mukha at tawa ng mga taga San Antonio na labis ang kasiyahang naihatid sa kanila ng Bingo Bonanza.
Labis naman ang galak at pasasalamat ng mga mapapalad na nanalo sa mga palaro at sa Bingo sapagkat malaking tulong ang kanilang mga natanggap. Para naman sa iba na hindi pinalad manalo, ay labis pa rin ang kanilang pasasalamat sapagkat napuno naman aniya ang kanilang puso ng kasiyahan. –Ulat ni Irish Pangilinan