Tinalakay sa mga elementary students ng labing siyam na Catholic schools sa diocese ng Cabanatuan kung paano sila makatutulong sa pangangalaga sa inang kalikasan sa ginanap na concurrent session ng Cabanatuan Catholic Educational System sa College of the Immaculate Conception.

   Sa panayam kay Rev. Father Jacinto Beltran, Director for Ecological Concerns, sinabi nito na matapos mabigyan ng kaalaman tungkol sa climate change at waste segregation ang mga batang mag-aaral ay inaasahang aaksyon ang mga ito sa pamamanutbay ng kanilang mga eskwelahan.

   Partikular na binigyang pansin ni Father Beltran sa kanyang paksa ang pagguho ng kabundukan sa bayan ng Gabaldon at ang malawakang pagbaha sa Cabanatuan City kapag bumabagyo.

Si Rev. Fr. Jacinto Beltran kasama ang mga katutubong Aeta.

Si Rev. Fr. Jacinto Beltran kasama ang mga katutubong Aeta.

   Kwento nito, seminarista pa lamang siya noong dekada otsenta ay nadestino na siya sa Gabaldon at kanyang nasaksihan kung paano pinagsamantalahan ang mga likas na yaman doon.

   Naniniwala ang pari na kapag nahikayat ang mga kabataan na magtanim ng mga puno sa mga kabundukan at matututong maghiwa-hiwalay ng mga basura, posibleng pagkalipas ng dalawampong taon ay hindi na natin danasin ang mga epekto ng pagkasira ng kapaligiran.

   Dagdag ni Father Beltran, hindi lamang mga bata ang dapat na kumilos, lahat aniya tayo ay may responsibilidad na mag-ambag upang sagipin ang Inang Kalikasan.- ulat ni Clariza de Guzman