Isa ang spoken words sa nauusong uri ng oral art sa mga kabataan na ginagamitan ng word play at intonation upang maipahayag ang kanilang saloobin.Sa Nueva Ecija ay tinatangkilik ang ganitong uri ng performance poetry lalo na ng mga kabataan. Ipinakita ng mga Novo Ecijanong Spoken Word artist ang kanilang talento pagdating sa Spoken art.
Ito ay ang bumabalik na uri ng spoken poetry na patok ngayon sa mga kabataan. Ang spoken word ay ang pag gamit ng word play, mga tula o di naman kaya ay pagbubuhos ng saloobin sa pag gamit ng written o di naman kaya ay impromptu speaking.

Spoken Word , nauusong uri ng performance poetry sa mga kabataan
matagal ng ginagamit ang Spoken word poetry hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo at ngayon nga ay bumabalik nanaman ito dahil na rin sa mga taong nakaka relate sa topic ng speaker. isa na si Juan Miguel Severo sa mga kilalang Spoken Word artist sa Pilipinas. hindi ito basta-basta pagsasalita sa harap ng mga manonood. ginagamitan ito ng word play, tono ng boses na naaakma sa paksa at minsan ay background music.
sa nueva ecija ang spoken word ang isa sa pinaka abangan ng mga audience na dumalo sa Kanligma concert. ang bawat salita na maaaring i ugnay sa kanilang naging karanasan ay patok na pinapalakpakan ng mga manonood.

Spoken Word, sumisikat sa buong mundo
Ang pahahalo ng Syensya at pag ibig ang isa sa naging kapansinpansin sa ginawang oral art ni Van Keyl. habang tungkol naman sa mga experience pagdating sa pag ibig ang pinag hugutan nina Aira at Azriel . Ani ng mga Spoken Word artist sa Nueva Ecija, kung nais ng ilan na matuto sa Spoken Word poetry. kailangan lamang na ilagay nila ang kanilang puso sa kanilang gagawing tula. – Ulat ni Amber Salazar