Nagpasalamat nag mga artist ng Kanligma o Kanta Likha Tugma sa mga sumuporta sa kaunaunahang concert and art show na ginanap sa OLFU auditorium. Sold out ang naging concert na dinaluhan ng 600 mga Novo Ecijano na may iba’t ibang nakahihiligang sining.  Kakaiba ang concert art show na ito dahil hindi lamang ito pagsasama sama ng mga iba’t ibang singer at banda sa Nueva Ecija kundi pagpapakita rin ng iba’t ibang uri ng sining katulad ng water color, acrylic painting at ang bagong uri ng nauusong uri ng sining ang spoken words.

Napuno ng mga sumusuporta sa mga local artist ng Nueva ecija ang Our Lady of Fatima Gymnasium para sa unang concert art show ng Kanligma o Kanta Likha at Tugma na may temang Express  na ang layon ay maipakita ang ibat ibang klase ng talento ng mga kabataang  Novo Ecijano. Mabubusog ang iyong mga mata sa ibat ibang uri ng  Paintings, sketches at drawing na ginawa ng mga artist.

Nagkaroon din ng mga on the spot paintings na habang ikaw ay nanunuod sa mga performer ay unti-unting nabubuo ang mga imahe na napili ng bawat artists.

 

Mahigit 600 katao, dumalo sa KANLIGMA

Nag perform ang ibat ibang banda ng mga cover songs at sarili nilang compositions

Spoken Words, patok sa mga kabataan

Hindi naman pahuhuli ang mga Spoken Words artist na isang panibagong uri ng expression ng nararamdaman sa pamamagitan ng pagsasalita ng kanilang saloobin sa isang masining na paraan nauuso ngayon sa mga kabataan. Patok ito lalo na sa mga kabataan na kasalukuyan o di naman kaya ay na experience na ang ikinu-kwento ng mga artists.

Pangalawang KanLiGMa concert art show, gaganapin sa December  2017

Labis naman ang pasasalamat ni Jay  Jacildo na organizer ng event dahil sa suporta ng mga dumalo sa event at pati na rin sa suporta ng mga banda at artists na nagpakita ng kanilang talent sa event. –Ulat ni Amber Salazar