Umabot sa Isang Libong motoristang miyembro ng Centro Motorista Alliance ng Central Luzon ang sabay-sabay na pumarada mula sa Cabanatuan City patungo sa Sports Complex, Palayan City.
Sa labing siyam na kilometrong paglalakbay, makikita ang disiplina sa kalsada ng bawat motorista.
Layunin ng nasabing aktibidad na pagsamasamahin ang lahat ng mga riders sa pitong lalawigan ng Region 3 na kinabibilangan ng Aurora, Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Zambales at Nueva Ecija tungo sa pag-unlad at pagkakaisa ng mga motorista.
Ayon kay Jeric Bajacan, Chairman ng Nueva Ecija Riders Federation, hangarin ng kanilang samahan na makatulong sa kapwa. Mas malaking bilang, mas solidong samahan, mas malakas ang puwersa upang makatulong sa komunidad.
Isa na nga sa lumahok ay si Arnold Dela Cruz ng Rise and Victorious Riders Club Nueva Ecija.
Bukod sa mga dumayong riders ay labis din ang kanilang pasasalamat sa suporta ni Cabanatuan City Vice Mayor Anthony Umali dahil binusog sila ng Mobile Kitchen.
Ang bawat grupo ay nagsasagawa ng mga outreach programs at community services sa iba’t-ibang lugar sa Gitnang Luzon. – Ulat ni Danira Gabriel