Dumapang mga pananim sa Bongabon, Nueva Ecija

Dumapang mga pananim sa Bongabon, Nueva Ecija

     Bagyong Nona sa lalawigan ng Nueva Ecija dahil sa taas ng bilihin partikular na sa district 3 at 4 kung saan  inabot ng mataas na baha ang ilang mga munisipalidad at lungsod sa lalawigan ng Nueva Ecija. Sa damage assessment na inilabas ng Office of the Provicial Agri na damage ang mga gulayan sa  Nampicuan, Aliaga, Cuyapo, Sto domingo, Talavera, Licab, Zaragoza, Quezon, Rizal, Lupao, Llanera, Carranglan, Pantabangan, Munoz, San Jose City, Bongabon, Palayan City, Laur, General Natividad, Gabaldon, Cabanatuan, San Leonardo, San Isidro, General Tinio, Peñaranda, Gapan City at Cabiao

     Umabot ng mahigit  132 million ang naging damage sa mga pananim na karamihan ay sibuyas at bawang  Habang umabot naman ng 44 thousand hectares ang naging damage sa mga palay na nagkakahalaga ng  346 million pesos.

Mga Palay na Natabunan ng Banlik sa Lalawigan ng Nueva Ecija

Mga Palay na Natabunan ng Banlik sa Lalawigan ng Nueva Ecija

    Agad na inasistehan ng OPA o Office of the Provincial Agriculture ang mga magsasaka at mag-gugulay na naapektuhan ng pangyayaring ito pinilit pa rin ng OPA na maibigay ang kaukulang tugon sa pangangailangan ng mga magsasaka

     Humingi rtin ng paumanhin ang Provincial Agriculture dahil sa dami ng nasalanta ay pinipilit pa rin na maasistehan ang mga magsasaka at mag-gugulay sa ano mang tulong na kayang ipaabot ng Pamahalaang Panalalawigan ng Nueva Ecija.

     Para naman sa mga mamamayan lalo na sa Gabaldon na napuno ng bato ang  mga pananim ay handa pa ring tumulong ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Libreng Clearing sa kanilang bukid na maaari nilang ma-avail sa pag bibigay ng request sa kanilang mga LGU’s- Ulat ni Amber Salazar