Dumalo ang mga Barangay Health Workers mula sa iba’t ibang barangay sa lalawigan ng Nueva Ecija sa ginanap na Pinagkaisang Samahang Pangkalusugan ng Nueva Ecija, Inc District II Congress na may temang “All for health towards health for all”.

Dumalo ang mga Barangay Health Workers mula sa ibat-ibang parte ng Nueva Ecija sa ginanap na Pinagkaisang Samahang Pangkalusugan ng Nueva Ecija, Inc.
Ayon kay Senator Risa Hontiveros, dalawa ang pangunahing benepisyo na makukuha ng mga Barangay Health Workers sa Bibong BHW Bill na kanyang isinusulong, ito ang pagtaas ng sweldo ng mga BHW’s na gagawing anim na libong piso, pagkakaroon ng libreng trainings at accreditation program.
Nagpapasalamat naman si Gelang, BHW mula sa Science City of Munoz, malaking tulong aniya sa kaniyang pamilya ang dagdag compensation na kanilang matatanggap kung maaaprubahan ng senado ang panukalang batas.
Malaking oportunidad naman umano sa mga BHW ng West Poblacion, Pantabangan ang isinusulong na batas dahil madadagdagan ang kanilang monthly allowance na makatutulong sa kanilang mga ka-barangay.
Samantala, aprubado na ang inihaing batas ng senadora na Amendments to the Anti-Hospital Deposit Law, Expanded Maternity Leave Act at Mental Health Bill na nakafocus sa pangkalusugan. -Ulat ni Majoy Villaflor