May temang “Malasakit para sa mga bata” ang Feeding Program na inihandog para sa mga estudyante ng Sta. Rosa Central School mula Grade 1 hanggang Grade 6.

Mobile kitchen ni Gov. Cherry Umali maganda para sa mga mag-aaral
Sa panayam kay Aling Maria Teresa bunag ng Barangay Cojuangco, Sta. Rosa, para sa kanya maganda ang programa ng Gobernadora para sa mga batang pumapasok na walang laman ang tiyan.
Tuwang-tuwa naman si Ma’am Maria Victoria Manubay, Teacher ng Grade 2 dahil nagmistulang masayang pagsalubong sa unang araw ng pasukan ang Feeding Program ng Pamahalaang Panlalawigan.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Dr. Marilou Felife Dongol, Principal 4 ng Sta. Rosa Central School kay Governor Cherry dahil sa walang sawang pagtulong at pagsuporta sa kanilang paaralan.
Umabot sa mahigit isang libong mag aaral ang pinakain ng sopas na may kaasamang juice na mula sa Pamahalaang Panlalawigan. –Ulat ni Phia Sagat