Napagkalooban ng libreng Eye Check-up sa San Antonio District Hospital ang Walong mamamayan sa bayan ng Bongabon na proyekto ng Department of Health katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Czarina Umali.

Walong mamamayan sa bayan ng Bongabon nabigyan ng libreng Check-up sa Mata ng Department of Health at Pamahalaang Panlalawigan.
Isa si Perfecta Panis, anim napu’t isang taong gulang ang nabigyan ng libreng Check-up sa mata na proyekto ng Department of Health katuwang ang pamahalaang panlalawigan.
Aniya, Dalawang taon na niyang tinitiis ang panlalabo ng mata, dahil sa kahirapan. Para sa kaniya, malaking tulong ang naturang programa para mabigyan ng pagkakataon ang mga katulad niyang walang kakayahang magpakonsulta sa Duktor.
Nabigyan rin si Felisa Caysip ng libreng pagpapatingin sa mata, ayon sa resulta ng kanyang Check-up kailangan na itong operahan dahil hinog na ang kanyang katarata sa mata.
Ayon kay Dr. Elmer Espino, karaniwang nagiging sanhi ng pagkabulag ng mata ang hinog na katarata, mataas na Eye Pressure ng mata dahil sa Glaucoma at Diabetes.
Layunin ng naturang programa na magbigay ng libreng serbisyo sa mga Novo Ecijano na kapos na nangangailangan ng serbisyong medikal.
Sa ngayon, ay patuloy pa rin ang libreng Eye Check-up. Magtungo lamang sa San Antonio District Hospital para sa iba pang impormasyon. –Ulat ni Majoy Villaflor