Abot ang pasasalamat ng 18 residente ng Barangay Pantoc, Gabaldon na nabiyayaan ng  libreng eye drop na hatid ng Department of Health (DOH) katuwang ang  Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Cherry Domingo-Umali.

Libre ang naging check up sa mata ng mga residente sa  San Antonio District Hospital . Hindi naman dito natapos ang iniabot na tulong ng Department of Health at  Pamahalaang Panlalawigan na sinadya mismo sa Barangay Pantoc, Gabaldon ang 18 pasyente na nangangailangan naman ng eye drop. Anila ang libreng eyedrop na ito ay malaking tulong sa kanila lalo pa at nagkakahalaga ng kulang isang libo ang eye drop na ito.

Libre ang naging check-up at gamot ng mga residente ng Brgy. Pantoc na matagal nang pinahihirapan g panlalabo ng mata.

Katulad ni Natividad Blas singkwenta anyos, isang manggagawang bukid at  residente ng Barangay Pantoc na matagal na rin na pinahihirapan ng panlalabo at pangangati ng kanyang mata, malaki ang naitulong ng libreng check up higit ang libreng gamot sa mata upang  naway tuluyan nang manumbalik ang kanyang paningin.

Kapitan Renato Octavo Brgy. Pantoc, Gabaldon

Nagpasalamat din si Kapitan Renato Octavo sa Pamahalaang Panlalawigan dahil sa patuloy na pag suporta sa kanilang barangay. Aniya hindi ito ang unang beses na nakatanggap ang kanilang barangay ng tulong mula sa Pamahalaang Panlalawigan . – Ulat ni Amber Salazar