Muling ipinamalas ang husay ng mga local designers ng Nueva Ecija, sa ginanap na Hues Fashion Show, noong Linggo, October 01, 2017.
Walong designer, ang nagpakita ng mga natatangi at malikhaing koleksiyon.
Touch of Denim at inspired by Cosplay Designs, ang idinisenyo ng 20 yrs old at fresh graduate ng Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) na si Jeanette Buenaventura. Aniya, nais niyang palawakin ang denim, na hindi lamang kilalang isinusuot bilang jeans.
Ginamit naman ni Niv Lagman De Leon ng Niv De Leon Couture, ang color palette ng Breaking Dawn na orange, blue, black and white na sumisimbulo ng bagong simula at pag-asa.
Pinamagatang “Chapters” ang ready-to-wear collection ni Jillian Myka Galvez Dimanado, ito ay naglalarawan ng kaniyang pagkahilig sa mga libro. Kaya naman, ang kaniyang mga disenyo ay makikitaan ng mga paborito niyang quotes at bible verses.
Ang mythical story ng Flora at Fauna ang inspirasyon ng fashion designer ng Science City of Muñoz na si Rye Mendoza ng Mgm Couture. Si Flora ang diwata ng halaman at si Fauna ang gods ng wild animals.
Mga dilaw na kasuotan ng maharlikang pamilya ng bansang Inglatera ang ibinida ni Erjohn Dela Serna. Ito ay pinamagatang “The Duchess”.
“Royals Bold Banquet” ito ang tema ng koleksiyon ng lalaki sa likod ng magagandang disenyo ng Barro Fashion and Arts na si Prinz Patrick Valdez De Guzman II.
Vintage bliss sa kasuotang pangkasal ang ipinakita ni Veejay Caballero ng V Caballero Designs. Aniya, inspirasyon niya ang mga Novo Ecijano sa kaniyang disenyo, na ang wedding gowns ng mga bababe ay moderno pero may classic cuts. Habang ang mga kalalakihan ay may makikitaan ng certain style.
Ang kulay pula naman ang lalong nagpatingkad sa Binia Europa Collection ng pangwalong designer na si Enoc Aliga ng EA Couture.
Isa ang Hues, sa matagumpay na fashion show na inorganisa sa lalawigan. –Ulat ni Danira Gabriel