Pinatunayan ng mga estudyante ng College of the Immaculate of Conception o CIC na hindi lang ganda at kagwapuhan ang mayroon ang isang CICian, ipinakita din nila ang pagiging malikhain nang irampa nila ang kanilang festival attire sa idinaos na CIC King and Queen 2015 noong sabado ng gabi, September 26 sa CIC Magnificat Center.
Kabilang na dito ang Bangus Festival, Sinulog Festival, Pahiyas Festival, Vinta Festival, Moriones Festival, Pintados Festival, Panagbenga Festival, Ati-atihan Festival, Masskara Festival, at Dinagyang Festival.
Bago ito ay nagpagalingan muna sa pagdadala ng casual attire ang mga kalahok sa Shorts Competition.
Bigay todo naman sa paghataw ang mga kandidata sa talent portion.
At ipinamalas din nila ang pagiging sopistikada sa Modern Filipiniana and Barong Competition.
Lalo namang humigpit ang labanan nang i-announce na ang mga nakapasok sa Top 5 na sinundan ng Question and Answer portion.
Para sa male category, ang nagwagi bilang ay sina:
Marcelo Navarro Jr. – 2nd Prince (Bachelor of Science in Information Technology)
Christian Fajardo – 1st Prince (Bachelor of Science in Nursing)
Yvan Nicole Causo – CIC King 2015 (Bachelor of Science in Business Administration)
Best in Festival Costume
Best in Modern Barong
Best in Talent
At para sa female category naman ay sina:
Jessa Mae Villanueva – 2nd Princess (Bachelor of Science in Secondary Education)
Aira Pingol – 1st Princess (Bachelor of Science in Business Administration)
Zhanilyn Cruz – CIC Queen 2015 (Bachelor of Science in Nursing)
Best in Shorts Attire
Best in Festival Costume
Best in Modern Filipiniana
Ms. People’s Choice Award
Labis naman ang naging pasasalamat ng CSSC President na si Nathaniel Jose sa matagumpay na kinalabasan ng pageant na ito.