Sinimulan na ang programang “Service Caravan” sa Lungsod ng Gapan upang magbigay ng libreng serbisyo sa mga Novo Ecijano.

Sari-Saring Serbisyo ang inihatid ng Pamahalaang Panlalawigan sa Lungsod ng Gapan.

Ito ay proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Czarina “Cherry” Umali at pakikipagtulungan ni Atty. Oyie Matias Umali.

Nanguna ang Provincial Medical Mission Team sa pagbibigay ng libreng serbisyong pangkalusugan.

Kabilang sa mga libreng serbisyo na ipinagkaloob ng naturang programa ay ang dental, medical, surgical, manicure and pedicure, hair cutting, appliances repair, small engine or motorcycle tune-up, massage therapy at iba pa.

Isa si Evangeline Barlis sa nabigyan ng libreng bitamina para sa kanyang mga anak, malaking tulong aniya ito sa kanila na walang kakayahang bumili dahil sa kahirapan.

Ayon kay Bott Valino Representative ni Governor Cherry Umali, layunin ng programa na mailapit sa mga Novo Ecijano ang mga libreng serbisyo ng Provincial Government.

Nakiisa rin ang buong DEPED Gapan sa pangunguna ni Brigida Fajardo, Education Program Supervisor, na nagpaabot ng walang hanggang pasasalamat nito sa natanggap na biyaya.

Nagpapasalamat naman si Donald Baloloy, kapitan ng barangay San Vicente sa napakalaking tulong na ipinagkaloob sa mga mamamayan ng Gapan. -Ulat ni Majoy Villaflor