Ipinakita ng mga kooperatiba ng kanilang pwersa ng mag sama-sama ang iba’t ibang kooperatiba at representante ng Butil Party List sa Freedom Park Cabanatuan City upang ilabas ang kanilang hinanaing sa binabalak na pagtatanggal ng kanilang Tax Exemption.
Nanganganib na magsara ang 26,600 kooperatiba na may mahigit 14 Milyong na kasapi dahil sa panukalang batas na nag papataw ng buwis sa mga kooperatiba na mariing tinututulan ng mga kooperatiba sa bansa.

Isinusulong ni Congressman Dakila Cua ng Lone District of Quirino ang Tax Reform and Inclusion Bill.
Nakasaad sa house bill no. 4688 at house bill no. 4774 tax reform and inclusion bill na isinusulong ni Congressman Dakila Cua ng Lone District of Quirino. tatanggalan nito ng tax exemption ang mga kooperatiba .

Ayon kay Congreswoman Cecilia Chaves ng Butil Partylist papatayin ng pagpapataw ng buwis na ito ang maliliit na kooperatiba na umaagapay sa mga kasapi nito.
Ang mga kooperatiba ay mayroon pa rin namang naiaambag na tax sa pamamagitan ng income tax at iba pang buwis na ipinapataw sa mga micro-entrepreneurs na umuutang sa kooperatiba.

Nakapag bayad ang mga kooperatiba ng kabuoang 6,345,931,626.91 Pesos dahil sa With Holding Tax
Ayon din sa datos ng Cooperative Development Authority o (CDA) noong 2015 ay nakapag bayad ang mga kooperatiba ng kabuoang 6,345,931,626.91 Pesos dahil sa With Holding Tax. Kung lalagyan pa ng Value added tax o VAT ang mga produkto ng kooperatiba ay titipak pa ito sa kita ng mga kasapi nito.
Kaya naman patuloy ang pangangalampag sa iba’t ibang kooperatiba sa bansa upang ipaliwanag ang kahalagahan na masabat at hindi maisulong ang house bill no 4688 at 4774.
Patuloy na nananawagan ang mga kooperatiba na mag sama-sama upang mapigilan ang napipintong pagtatanggal ng Tax Exemption ng mga kooperatiba sa bansa.- Ulat ni Amber Salazar