INIRAMPA NG MGA BABAENG MODELO ANG IBAT – IBANG DISENYO NG MGA GOWN NA GAWA SA LOCAL MATERIAL AT NILAGYAN NG MGA PALAMUTI UPANG IPAKITA ANG MGA PRODUKTO SA KANI – KANILANG MGA BAYAN AT LUNGSOD.
ANG KOMPETISYON NA COSTUME FESTIVAL AY SAKOP SA SELEBRASYON NG KAUNA – UNAHANG HARVEST FESTIVAL NA GINANAP KAMAKAILAN SA SM MEGACENTER CABANATUAN CITY.
ISA ITO SA HAKBANG UPANG PASIGLAHIN AT PALAWAKIN BILANG TOURISM AT TRAVEL DESTINATION ANG MGA LUGAR SA NUEVA ECIJA.
AYON KAY JOANNE Z. BONDOC ASSISTANT MALL MANAGER, NAISAGAWA ANG FESTIVAL SA PAKIKIPAGTULUNGAN SA PROVINCIAL TOURISM OFFICE NG LALAWIGAN SA PAMUMUNO NI LORNA MAE VERO UPANG MAIANGAT ANG KULTURA SA PROBINSYA AT MAIPAKITA ANG TALENTO NG MGA NOVO ECIJANOS.
KABILANG SA MGA LOCAL GOVERNMENT UNITS O LGUs NA NAKIISA AY ANG BAYAN NG CABIAO, PANTABANGAN, JAEN, SAN ANTONIO, BONGABON, ZARAGOZA, LLANERA, GABALDON, ALIAGA AT SCIENCE CITY OF MUNOZ.
KINILALANG GRAND WINNER AT NAG-UWI NG HALAGANG LABING LIMANG LIBONG PISO ANG FILIPIANA INSPIRED COCKTAIL DRESS NA ISINUOT NI MS. MAY ANN VITRIOLO NA GAWA SA PINATUYONG DAHON NG SAGING NA NAGREPRESENTA SA “TAONG PUTIK FESTIVAL” BILANG PANATA KAY ST. JOHN THE BAPTIST SA BARANGAY BIBICLAT SA BAYAN NG ALIAGA.
SINABI NAMAN NI JEFFREY MALARULAT DESIGNER NG NATURANG COSTUME, MAHABANG PAGHAHANDA ANG KANYANG GINUGOL SA PAGGAWA NG KASUOTAN UPANG MAPALUTANG ANG GANDA NG KULTURA NG KANILANG BAYAN.
NAIS RIN NIYA NA HIKAYATIN ANG IBA PANG MGA LOCAL DESIGNER SA PROBINSIYA NA GAMITIN ANG KANILANG TALENTO UPANG MAKATULONG SA PAGPAPAYABONG NG TURISMO SA LALAWIGAN.
HABANG NAG FIRST RUNNER – UP ANG BAYAN NG SAN ANTONIO NA NAG –UWI NG LIMANG LIBONG PISO AT SECOND RUNNER – UP NAMAN SA BAYAN NG LLANERA NA NAKAPAUWI DIN NG PREMYONG SAMPUNG LIBONG PISO AT TROPEYO.