
OIC RD Ronald Santos, Gov. Aurelio Umali, and Gov.Lilia Pineda on a special meeting with the LGU and PNP held at Oxford Hotel, Clark Pampanga.
Hinihiling ni Governor Aurelio Umali sa PNP at PDEA na magbigay ng sampol o manghuli ng mga elected officials at mga alagad ng batas na sangkot at protector sa bentahan ng illegal drugs.
Ayon sa Chairman ng RPOC na si Gov. Umali, nakahandang magbigay ng pabuya ang council kung may mahuhuling opisyal o mga nasa katungkulan, ang mga nagpapatupad ng batas upang masugpo ang talamak na pagkalat ng droga sa Central Luzon.
Paliwanag ni Governor Oyie, seryoso silang mga Punong Lalawigan sa paglaban kontra droga kaya pinupuna nila kung sakto at magkatugma ang mga datos na iniuulat ng PNP at PDEA dahil repleksyon din ito ng kanilang pamumuno.
Ilan pa sa mga nakikitang solusyon ng RPOC 3 para mapigilan na ang illegal na droga sa mga probinsiya ay ang boluntaryong blood testing ng mga pinuno ng pamahalaan at mga alagad ng batas, at pagtatanggal sa serbisyo ng mga sangkot sa drugs.

PDEA USEC. Arturo Cacdac Jr. insists the importance of barangay clearing operations in drug affected areas in Central Luzon.
Iginiit naman ni PDEA USEC. Arturo Cacdac Jr. na dumalo sa espesyal na pagpupulong ang kahalagahan ng clearing operations sa mga barangay na apektado ng droga.
Sinegundahan naman ng Chairman ng Sub Committee on Dangerous Drugs na si Pampanga Governor Lilia Pineda ang mga sinabi nina Governor Oyie at USEC. Cacdac. Naniniwala si Governor Pineda na wholistic dapat ang maging approach sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba’t ibang sector ng lipunan para matugunan ang problema sa drugs. –Ulat ni Clariza de Guzman