Isa-isang inikot ni Vice Mayor Anthony Umali ang mga Pampublikong Paaralan ng Elementarya at Sekondarya sa Cabanatuan City, bilang pakikisa sa taunang Brigada Eskwela ng Department of Education na may tema ngayong taon na “Isang DepED, isang pamayanan, isang bayanihan para sa handa at ligtas na pamayanan.” na nagsimula noong lunes, May 15, 2017.
Unang nilibot ng Bise Alkalde ang Nueva Ecija High School (NEHS).
Sa kaniyang mensahe bilang kinatawan ni Gov. Cherry Umali, ipinabatid nito ang pagnanais nila na makiisa at makatulong sa mga eskwelahan.
Nakilahok rin ang isang daang Special Program for Employment of Students (SPES) beneficiaries ng Provincial Government sa Brigada Eskwela ng NEHS.
Ayon kay Nueva Ecija PESO Manager Maria Luisa Pangilinan, bukod sa isang daang estudyante ay mayroon pang humigi’t kumulang apat na raang SPES beneficiaries ang nakakalat sa iba’t-ibang paaralan sa lalawigan upang tumulong sa nasabing aktibidad.
Pinuntahan din ni Vice Mayor Umali, ang San Josef Elementary School, San Josef National High School, Sumacab Norte Elementary School, Sumacab Este Elementary School at Camp Tinio National High School.
Pasasalamat ang ipinaabot ng mga punong guro sa suporta ni Vice Mayor Umali at pinturang ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan.
Sumama din sa aktibidad sina Kon. Nero Mercado, Fortune Eusebio at Ambot Del Mundo.
Sa ngayon, ay patuloy na nililibot ng Bise Alkalde ang mga eskwelahan sa naturang lungsod. –Ulat ni Danira Gabriel