Pinarangalan ng Nueva Ecija Police Provincial Office(NEPPO) ang mga natatanging pulis sa probinsiya, na mahusay na gumanap sa kanilang mga tungkulin bilang alagad ng batas at tagapangasiwa ng kapayapaan sa komunidad.
Kabilang sa mga naparangalan ay sina PSUPT Leandro Novilla, PSUPT Ponciano Zafra, PCI Manuel Catacutan, PCI Ranny Casilla, PInsp Jacquiline Gahid, SPO2 Darwin Rivera, PO3 Alvin Marcos, SPO1 Lawrence Danao, SPO1 Joselito Ramos, PO3 Victoriano Miguel Jr, PO1 Stephanie Marie Green, PO3 Conrad Alfred Framil, PO3 Albrecht Von Ferrer, PO3 Noemi Gogotano, SPO1 Franklin Sindac, SPO4 Juan Quinit Jr at NUP Imelda Mora.
Ginawarin din ng pagkilala ang mga natatanging pangkat ng pulisya ng Science City of Muñoz, Guimba Police Station, Santa Rosa Police Station, Gen. Tinio Police Station at 1st Manuever Platoon Zaragoza PAAC.
Binigyang pagkilala din ng NEPPO ang mga pribado at pampublikong sektor at indibidwal na katuwang ng pulisya sa pagpapatupad ng mga programa. Katulad ng Nueva Ecija Press Corps, Kabayan Radio Group, Rev. Fr. Arnold Abelardo at Gapan City Mayor Emerson Pascual.
Samantala, bilang kinatawan ni Gov. Cherry Umali ay malugod na tinanggap ni First Gentleman at Chairman ng Anti-illegal Drugs Convenor Atty. Aurelio “Oyie” Umali ang parangal na inihandog para sa ina ng lalawigan.
Sa pahayag ni Umali, pinasalamatan niya ang mga pulis at sibilyang indibidwal at grupo na walang sawang sumusuporta sa mga programa ng Pamahalaan Panlalawigan, sabay bato ng biro kay PD Manuel Cornel.
Ang naturang programa ay bilang pagdiriwang ng ika-115th anibersaryo ng pagseserbisyo ng mga kapulisan sa lalawigan. -Ulat ni Danira Gabriel