Gitgitan ang naging labanan ng brgy. Mayapyap norte kontra brgy. Pula, at brgy. San isidro kontra brgy. Lagare sa elimination round ng ikalawang inter-barangay basketball league noong biyernes.

Barangay Mayapyap Norte at Barangay San Isidro, Tinalo ang Barangay Pula at Barangay Lagare sa Elimination Round ng Ikalawang Inter-Barangay Basketball League
Sa first quarter pa lamang ay halos hindi magkalayo ang scores ng brgy. Mayapyap norte at brgy. Pula kung saan unang lumamang ang mayapyap norte sa score na 19-14.
Pagdating sa second quarter ay dikitan parin ang puntos ng magkabilang team, parehong gigil ang bawat koponan na makapuntos at madepensahan ang mga kalaban hanggang sa lumamang ng anim na puntos ang brgy. Pula sa score na 20-26.
Sa ikatlong quarter humataw ang brgy. Pula sa sunod-sunod na puntos na ginawa ng koponan, nahirapan ding makapuntos ang kalaban sa kanilang depensa kaya’t lumamang parin ng dalawang puntos ang brgy. Pula sa score na 48-50.
Sa final quarter mas lalong naging gitgitan ang naging laro sa loob ng court nang humabol ang brgy. Mayapyap Norte at hindi na sinayang ang pagkakataon upang makaungos, hanggang sa tambakan ng kanilang team ng siyam na puntos ang brgy. Pula sa score na 73-64.
Ayon kay Keneth Magdangal, mula sa koponan ng Mayapyap Norte, labis ang kanilang kaligayahan dahil sa pagkapanalo dahil ibinuhos aniya nila ang lahat ng kanilang lakas para sa naturang kompetisyon.
Samantala, umabante din ang Brgy. San Isidro kontra sa brgy. Lagare sa score na 74-57.
Worth it naman para kay Nelfer Joseph Valdedara ng team san isidro, ang kanilang ginawang training bilang preparasyon sa naturang laban.
Ang maglalaban laban mamaya alas 3 ng hapon hanggang alas 4 ay ang Barangay Mabini Extension vs. San Juan Accfa, 4 to 5 pm ang Barangay Camp Tinio vs. Brgy Lagare, 5 to 6 pm Barangay Barlis vs. Mayapyap Norte, 6 to 7 barangay Obrero vs. Kpt. Pepe, 7 to 8 ang Brgy. Quezon District vs. Brgy. Matadero.
Abangan pa ang mga barangay na magtatagisan ng galing sa larangan ng basketball sa susunod na mga araw.
-Sa ulat ni Phia Sagat