Sa unang araw ng kampanya ay pinili ng grupo ng Team Save Cabanatuan na dumalo muna sa isang banal na misa sa Sto Niño Church sa Brgy Kapitan Pepe, Cabanatuan City.

TEAM SAVE CABANATUAN AND CANDIDATES FOR BOARD MEMBERS OF 3RD DISTRICT: (L-R) Ariel Severino, Melchor Morales, Richard Medina, Ambot Del Mundo, Budoy Cipriano, Tonette Golpeo-Feliciano, Doc Anthony Matias-Umali, Kap. Ramon “suka” Garcia, Edna Bolisay, Jovic hernandez, Nero Mercado, Fortune Eusebio, Gave Calling and Jess Diaz.

TEAM SAVE CABANATUAN AND CANDIDATES FOR BOARD MEMBERS OF 3RD DISTRICT: (L-R) Ariel Severino, Melchor Morales, Richard Medina, Ambot Del Mundo, Budoy Cipriano, Tonette Golpeo-Feliciano, Doc Anthony Matias-Umali, Kap. Ramon “suka” Garcia, Edna Bolisay, Jovic hernandez, Nero Mercado, Fortune Eusebio, Gave Calling and Jess Diaz.

     Ayon sa grupo, higit kanino man ang pag hingi ng basbas sa poong maykapal ang unang dapat gawin, upang makamantan ang inaasam na maayos at mapayapang halalan sa lungsod ng Cabanatuan.

     Matapos ang misa ay agarang sumakay ang grupo upang mag-ikot sa lungsod, sa pangunguna ni Kapitan Ramon “suka” Garcia na kumakandidato bilang alkalde at ang kanyang partner na si Doc Anthony Matias-Umali na kumakandidato bilang Vice Mayor, kasama din ang kanilang sampung konsehales, sa ilalim ng kanilang partidong Unang Sigaw.

     Mula sa Brgy Kapitan Pepe, ay dumiretso ang Team Save Cabanatuan sa City Hall. Bitbit ang mga puting lobo na sumisimbolo sa pakikiisa nila sa malinis at mapayapang halalan.

     Matatandaan na hindi sumipot sa isinagawang Peace Covenant ng lungsod ang buong partido ni Incumbent Mayor Jay Vergara.

     Sa pahayag ng grupo, ito ay pagpapakita lamang ng kababaang loob. Sila na umano ang kusang lumapit sa kabilang partido, upang magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng magkabilang grupo tungo sa isang maayos na eleksyon.

        Matapos ang maikling programa ay kanila ng pinagpatuloy ang motorcade sa Brgy San Josef at Bonifacio.

Pagdating sa Palengke ay muling bumaba ang grupo at nakipagkamay sa mga mamamayan.

Pagsapit ng hapon ay sinimulan ng Team Save Cabanatuan ang kanilang Proclamation rally sa Brgy Macatbong na dinaluhan ng daan-daang katao.

     Dumating din ang katiket nila sa Board Member na sina Jess Diaz at Konsehal Ariel Severino, Gov. Aurelio Umali na bumabalik sa Kongreso ng Ikatlong Distrito at si Gubernatorial Candidate Congw. Czarina “cherry” Umali.

     Nauna ng umikot sa bayan ng San Antonio at Cabiao si Congw. Umali ng araw din na ‘yon. Kung saan, mainit ang naging pagtanggap sa ng mga residente. -Ulat ni Danira Gabriel