Ang ilan sa mga magsasakang miyembro ng progresibong grupong  MAMBAYU.

Ang ilan sa mga magsasakang miyembro ng progresibong grupong MAMBAYU.

     Kasabay ng paggunita sa “Human Rights Week” ay inalala ng grupo ng mga magsasakang Mambayu sa bayan ng Guimba ang kanilang mga karanasan sa pakikibaka sa tunay na reporma sa lupa.

     Ayon kay Nilo Melegrito, tagapangulo ng Mambayu, bigo ang Commission on Human Rights na protektahan ang mga uring magsasaka laban sa pangha-harass ng mga nasa kapangyarihan.

    Taong 2012, tatlong beses tinangka na ipatupad ang writ of execution na nagpapaalis sa mahigit isandaang miyembro ng Mambayu sa lupang binubungkal na bahagi ng dating Hacienda Davis sa barangay Manggang Marikit sa Guimba.

Mahigit 20 taon nang ipinaglalaban ng MAMBAYU ang 86 na ektaryang lupain na dating Hacienda Davis sa brgy. Manggang Marikit, Guimba.

Mahigit 20 taon nang ipinaglalaban ng MAMBAYU ang 86 na ektaryang lupain na dating Hacienda Davis sa brgy. Manggang Marikit, Guimba.

     Ang katunggaling grupo ng mga magsasaka na LISTASAKA ang pinagkalooban ng Certificate of Land Ownership Award samantalang ang Mambayu ang aktuwal na nakaposisyon sa walumpo’t anim na ektaryang lupain simula pa noong 1991.

    Samantala, nahaharap sa kasong libel at slander si Melegrito at kasamahang si Aquilino Lopez na isinampa ng diumano’y abogado ng kalabang grupo na si Atty. Reynaldo Vidon.

    Katuwang ng Mambayu ang Alyansa ng Magbubikid sa Gitnang Luzon sa pagsisikap na ipaglaban ang kanilang karapatan sa lupang binubungkal.

     Umapela na sa Department of Agriculture ang Mambayu kung saan nagkaroon na umano ng imbestigasyon.

     Inaasahan ng grupo na kakanselahin ng DAR ang CLOA ng Listasaka upang tuluyan nang mapasakanila ang lupang pinosisyunan.- ulat ni Clariza de Guzman