Itinalagang guest speaker sa ginanap na oath taking ceremony of new set of officers ng Nueva Ecija Press Club Incorporated si former Governor Aurelio Umali na isang press freedom advocate.
Sa mensahe ni Atty. Oyie Umali, ipinahayag nito ang respeto sa mga mamamahayag na kinikilala bilang ikaapat na estado, lalo na dito sa ating bansa dahil sa mahalagang tungkulin nito na bantayan ang kalagayan at integridad ng ating bayan sa pamamagitan ng makatotohanang pagbabalita.
Isa sa pambihirang nagawa ng dating gobernador sa panahon ng kanyang panunungkulan ang pagbabalik sa kalayaan sa pamamahayag ng mga Novo Ecijano na matagal na nasikil.

Si Former Governor Aurelio Umali habang tinatanggap ang plaque of appreciation mula sa Nueva Ecija Press Club Inc.
Kaakibat ng kahilingan niya na magsama-samang tumindig ang mga nasyunal at local na tagapagbalita na ipaglaban ang kanilang karapatan ay ang paggalang mismo ng bawat isa sa kanilang propesyon.
Partikular na tinukoy ng abogado ang pagbibihis ng mga PR o public relation officer ng mga pulitiko bilang mamamahayag na naghahatid ng hindi patas na balita sa mamamayan na sumisira sa imahe ng pamamahayag.
Pinaka malaking suporta na ipinagkaloob ni Atty. Umali sa NEPCI ang Media Building upang magkaroon ng disenteng opisina ang mga local na mamamahayag.- ulat ni Clariza de Guzman