Ang power point presentation ng ikalawang bahagi ng pagtataas ng sweldo ng mga empleyado ng Provincial Government.

Ang power point presentation ng ikalawang bahagi ng pagtataas ng sweldo ng mga empleyado ng Provincial Government.

   Excited na inanunsiyo ni Governor Czarina Umali sa presentation ng Annual Investment Plan for 2017 ng Nueva Ecija ang 2nd tranche ng salary increase ng mahigit kumulang dalawanlibong empleyado ng provincial government.

   Ayon kay Governor Cherry, mahalaga para sa kanya na ibigay ang karampamtang sweldo at benepisyo ng mga kawani ng kapitolyo upang itaguyod ang kanilang kapakanan.

   Isa rin aniya itong paraan para mas mahikayat ang mga empleyado ng pamahalaang panlalawigan na isapuso at pag-igihan ang paglilingkod sa mamamayang Novo Ecijano.

Ang mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija.

Ang mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija.

   Ipinatupad ngayong taon ang salary increase ng permanent government employees alinsunod sa E.O 201 series of 2016 ni Former President Benigno Aquino III.

    Ang 1st tranche o unang bahagi ng pagtataas ng sweldo at buong midyear bonus sa kapitolyo ay ipinagkaloob sa ilalim ng panunungkulan ng kabiyak ng gobernadora at sinundang pinuno ng probinsiya na si dating Governor Aurelio Umali.- ulat ni Clariza de Guzman