Ipinresenta ng PNP ang project USAD o United Stand Against Dangerous Drugs kay Governor Cherry Umali . Layunin nito na magkaroon ng pamantayan  ang mga government and at private sectors  sa pag harap sa problema ng illigal na droga.

Nueva Ecija Provincial Police ipinresenta ang United Stand Against Dangerous Drugs o USAD Project

Sa kasalukuyang datus na inilabas ng PNP umaabot sa 28,331 ang sumuko at 1,441 ang pusher habang pumalo naman sa 26,890 ang users. Sa 618 police operations ay umabot ng 753 ang naaresto kung saan 392 dito ang pusher at 361 naman ag user.

Ayon sa report ng PNP maganda man ang ibig sabihin nito dahil naipapakita ang pagpupursige upang ma puksa ang illegal na droga sa probinsya, nangangahuluga din ito anya na marami ang nalulong sa masamang bisyo.

(left) Nueva Ecija Provincial Police Director Antonio Yarra, Father Arnold Abelardo (center), (right) Governor Cherry Domingo Umali

(left) Nueva Ecija Provincial Police Director Antonio Yarra, Father Arnold Abelardo (center), (right) Governor Cherry Domingo Umali

Bahay pag asa sa NEPPO

Bahay pag asa sa NEPPO

Dahil rin sa suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Cherry Umali at anti-illegal drugs convenor Atty. Aurelio Umali. Isa ang Nueva Ecija sa may pinaka maraming Bahay Pag Asa na patuloy na binubuksan sa iba’t ibang lungsod at munisipalidad. Nais din ni Governor Cherry na mai-prisinta ang USAD project sa mga mayors ng lalawigan ng Nueva Ecija upang ma adopt sa kani-kanilang mga nasasakupang lugar.-Ulat ni Amber Salazar