Tinupok ng apoy ang mahigit kalahating bahagi ng palengke ng bayan ng Sto. Domingo. Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring inaalam ng Bureau of Fire Protection ang naging sanhi ng sunog.

Animnapung porsyento na bahagi ng palengke ang naitalang natupok ng apoy sa bayan ng Sto. Domingo noong nakaraang December 23, 2016.

60% na bahagi ng palengke sa bayan ng Sto. Domingo, tinupok ng apoy noong December 23, 2016.

60% na bahagi ng palengke sa bayan ng Sto. Domingo, tinupok ng apoy noong December 23, 2016.

Nangyari ang insidente ganap na ala-una singkwentay nuebe ng madaling araw. Dalawang Fire Trucks ng Bureau of Fire Protection  ng Sto. Domingo ang agarang rumesponde sa nasabing insidente.

Sa ngayon ay patuloy pa ring binabantayan ng BFP kung ano nga ba ang naging sanhi ng apoy.

Muli namang nagpaalala ang Acting Municipal Fire Marshal na si Armando Cruz para sa lahat ng mga mamimili at tindera sa palengke na laging siguraduhin ang kanilang mga appliances bago umalis ng bahay upang maiwasan ang ganitong pangyayari.

Acting Municipal Fire Marshal Armando Cruz, nagpaalala sa mga mamimili at tindera sa palengke na ugaliing iwang nakapatay ang  mga appliances sa bahay bago umalis upang makaiwas sa sunog.

Acting Municipal Fire Marshal Armando Cruz, nagpaalala sa mga mamimili at tindera sa palengke na ugaliing iwang nakapatay ang  mga appliances sa bahay bago umalis upang makaiwas sa sunog.

Wala namang naitalang nasaktan o nasugatan sa nasabing sunog. –Ulat ni Myrrh Guevarra.