Nagpapasalamat ang mga empleyado ng kapitolyo sa mga bonus na natanggap ngayong 2016 sa Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Czarina “Cherry” Umali.
Naging masigla at mas produktibo umano sa pagtatrabaho ang mahigit Dalawang libong Permanent employee mula sa 42 opisina ng kapitolyo dahil sa mga bonus na natanggap ngayong 2016.

Nagpahatid ng pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan ang mga Permanent Employee ng kapitolyo sa natanggap na mga bonus ngayong 2016.
Ayon kay Provincial Treasurer Rosario Rivera masayang masaya ang mga ito sa mga bonus na ibinigay ng pamahalaang panlalawigan.

Ayon kay Provincial Treasurer Rosario Rivera Masayang-masaya ang mga Empleyado ng kapitolyo sa natanggap na mga bonus.
Isa si Marilyn Andasan sa mga nakatanggap ng mga bonus, nakatulong daw sa kanya ito sa pang araw-araw na gastuhin sa kanilang bahay.
Kabilang rin si Christopher Duldulao sa mga nabigyan ng mga bonus, masaya ito dahil nakapagtabi ito ng pera at bumili rin ng mga damit ng kanyang mga anak.
Nagpapasalamat rin si Rosie Umali sa pamahalaang panlalawigan, dahil malaking bagay aniya ito dahil nagamit ng kaniyang pamilya ang pera sa paghahanda sa kapaskuhan at ngayong bagong taon.
Dagdag pa ni Rivera, karamihan sa mga empleyado ay personal na nagpunta sa kanya upang ipahatid ang kanilang pasasalamat kay Governor Cherry Umali.
May kabuuang 39,527,762 ang Mid-year bonus na ibinigay noong June 2016, 54,393,011.50 naman ang inilaan na pondo sa 13th month pay at Cash gift na ibinigay noong November 2016.
Habang additional 5,000 pesos ang ipinagkaloob ngayong December 2016 para sa PEI o Performance Enhancement Incentives ng mga empleyado. -Ulat ni Majoy Villaflor