Humigi’t kumulang Isang Daang sundalo ng 7th Infantry (Kaugnay) Division Philippine Army ang naatasan na tumulong sa paglaban sa mga teroristang kasapi ng Maute Group sa Marawi City, Mindanao.

Ayon kay 7ID Commander MGen Angelito De Leon, nagmula ang dagdag puwersa sa 72nd Division Reconnaissance Company.

Aniya, nakahanda ang kanilang hukbo na magpadala pa ng mga tauhan kung sakaling mangailangan ng karagdagang puwersa.

Sa mahigit isang buwang pakikipagbakbakan ng Government Forces sa Maute Group ay umabot na sa Tatlong Daan at Walumpu’t Pitong katao ang nasawi. 290 mula sa miyembro ng terorista, 70 nalagas mula sa pulis at militar at 27 mga sibilyan.

Dagdag pa ni De Leon, nananatiling handa at alerto ang mga militar sa Gitnang Luzon upang maproteksiyunan na hindi makapasok ang mga terorista sa Rehiyon.

Panawagan ni De Leon sa publiko, manatiling magtiwala sa gobyerno na matatapos din ang nagaganap na kaguluhan at maibabalik ang katahimikan sa buong bansa. –Ulat ni Danira Gabriel