Novo Ecijanong kolektor ng Giant Cactus, isa ng matagumpay na negosyante
Lumago na at lumawak na rin ang nararating ng mga Giant Cactus ni Drin Valdez na tubong Talavera, Nueva Ecija na nagsimula lamang sa pagiging kolektor noong mag-lockdown dahil sa COVID-19.
Kwento ni Drin, isa ang kanyang ama sa naging plantito noong lockdown at nakahiligan nitong bumili ng mga kakaibang halaman tulad ng cactus na nagmula pa sa Europe at Thailand, na kalaunan ay nagkaroon na rin ng locally breed kung saan pinadami nila ito mula sa anak ng mother plant hanggang sa ginawa na nila itong negosyo.
Isa o dalawang beses sa isang buwan silang nagla-live selling ng kanilang mga cactus depende sa dating ng mga stocks sa kanila na negotiable naman aniya ang presyo.
Ang mga baby cactus o maliliit pang cactus ay ibinebenta nila mula Php50 hanggang Php5, 000 habang ang mga mature o malalaki na ay mabibili naman mula Php5, 000 hanggang Php25, 000 at nagshiship na rin sila nationwide.
Umaabot sa taas na 4 feet hanggang 5 feet ang columnar type o mga pataas na uri ng cactus, ang globular o pabilog naman ay nasa 2 feet to 3 feet ang laki, habang mayroon ding iba pang klase na lumalaki ng 12 inches hanggang 14 inches.
Mas madali aniyang alagaan ang cactus kumpara sa ibang mga halaman, hindi sensitibo at malaya itong lumalaki sa pormang nais nito, maliban pa sa madali din itong padamihin.
Sa kasalukuyan ay libo-libong cactus na ang mayroon sa kanilang shop na Astro Papa Garden Center na may malaking main green house at tatlong maliliit na green houses.
Nakiisa din ang Astro Papa Garden Center sa ginanap na 126th Unang Sigaw Horticultural Show mula August 29 hanggang September 3, 2022 sa Freedom Park, Cabanatuan City.
Para sa iba pang detalye bisitahin ang kanilang physical store sa Zone 2 Brgy. La Torre, Talavera, na bukas mula Lunes hanggang Sabado, 9:00 am to 5:00 pm o kontakin sila sa Facebook page na Astro Papa PH o sa numerong
0997-165-0023