Nilooban ng mga hindi nakillang suspek ang bahay ng isang 70-anyos na civil engineer sa Ireneville Subdivision, barangay San Isidro, Cabanatuan City.

Ang loob ng master bedroom ng bahay ni Engr. Luisito Talens sa Ireneville Subd., brgy. San Isidro, Cabanatuan City.

Ang loob ng master bedroom ng bahay ni Engr. Luisito Talens sa Ireneville Subd., brgy. San Isidro, Cabanatuan City.

   Natangay mula sa tahanan ni Luisito Talens y Llanera, ang isang HP laptop computer na nagkakahalaga ng Php11,000.00, assorted na mga alahas worth Php 30,000.00, isang Samsung cellphone na halagang Php 4,000.00, at Nokia cellphone worth Php 2,000.00.

   Lumabas sa imbestigasyon ng otoridad na binaklas ng mga magnanakaw ang steel window ng master bedroom ng bahay kung saan dumaan ang mga ito.

   Samantala- Niratrat umano ng riding in tandem ang Save Fuel Gas Station na matatagpuan sa Maharlika Highway, Sitio Pulo, Caalibangbangan, Cabanatuan City.

   Kinilala ang may-ari ng gas station na si Loida Solano y de Guzman, 39-anyos, may-asawa, at residente ng Apo St. barangay Mabini Homesite ng lungsod na nabanggit.

   Nabasag ang glass window at glass door ng Save Fuel Gas Station sa Maharlika Hi-way, Brgy. Caalibangbangan, Cabanatuan City nang pagbabarilin ng riding in tandem.

Nabasag ang glass window at glass door ng Save Fuel Gas Station sa Maharlika Hi-way, Brgy. Caalibangbangan, Cabanatuan City nang pagbabarilin ng riding in tandem.

   Base sa report ng pulisya, 3:10 ng madaling araw nang tumapat sa gasolinahan ang isang Kawasaki Bajaj motorcycle na kulay itim lulan ang dalawang suspek na armado ng maiikling baril at bigla na lamang pinaputukan ang gas station.

   Tinamaan at nabasag ang glass window at glass door ng gasolinahan, samantala wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

  Narekober ng SOCO sa crime scene ang limang basyo ng bala ng kalibre kwarenta’y singkong baril, at apat na deformed slug ng hindi pa ntutukoy na baril.- ulat ni Clariza de Guzman.