Pinuri ni Gov. Cherry Umali ang mga guro sa ginanap na Cluster Schools District Meeting, na idinaos sa Palayan City.

   Ayon kay Gov. Umali, ang propesyon ng pagtuturo ang isa sa mga may malaking ginagampanan sa komunidad.

   Dagdag pa ni Gov. Umali, dama niya ang sakripisyo at kalbaryong hinaharap ng mga guro sa araw-araw na pagtuturo sa mga bata. Mula sa dami ng mag-aaral na tinuturuan hanggang sa mga kakulangan at pangangailangan ng mga eskwelahan.

   Binigyang diin din ni Gov. Umali na bukas ang pinto ng kapitolyo sa lahat nang pangangailangan ng kahit na sinong Novo Ecijanong manghihingi ng tulong mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

   Wala umanong pipiliin, dahil ang lahat nang nangangailangan ay paglilingkuran ng tapat.

   Lubos naman ang pasasalamat ni School Division Superintendent Ronaldo Pozon, sa walang humpay na pagtulong ng Pamahalaang Panlalawigan sa kanilang ahensya. -Ulat ni Danira Gabriel