Magkakatulong na itinanim ng mga residente, mga opisyal ng Pamahalaang Barangay ng Bagting, mga miyembro ng Gamma Epsilon Fraternity, at ABI o Alay Bayan Luzon Incorporated ang mahigit kumulang walong daang seedlings ng Narra trees sa watershed ng Segum Creek.

Ang mga miyembro ng Gamma Epsilon Fraternity kasama ang mga kabataan ng barangay Bagting, at crew ng Balitang Unang Sigaw.

Ang mga miyembro ng Gamma Epsilon Fraternity kasama ang mga kabataan ng barangay Bagting, at crew ng Balitang Unang Sigaw.

     Ayon kay Ginang Purificacion Gatchalian, inorganisa ang nasabing aktibidad sa pagdiriwang ng ika-tatlumpong taong anibersaryo ng Gamma Epsilon Fraternity.

     Nanggaling sa mga miyembro ng ABI ang pitong daang punla ng puno ng Narra, habang isandaan naman ang inilaan ng pamunuan ng barangay sa pangunguna ni Kapitan Edwin Lacandoza.

     Taun-taon, tuwing panahon ng tag-ulan ay problema sa barangay Bagting ang flashfloods, at landslides. Mula pa noong 2004, matitinding kalamidad na ang dumadaan sa bayan ng Gabaldon na isinisisi sa pagsira sa kabundukan.

Ang mga miyembro ng 4Ps na nakiisa sa tree planting activity na inorganisa ng Gamma Epsilon Fraternity, Alaya Bayan Luzon Inc., at Pamahalaang Barangay ng Bagting.

Ang mga miyembro ng 4Ps na nakiisa sa tree planting activity na inorganisa ng Gamma Epsilon Fraternity, Alaya Bayan Luzon Inc., at Pamahalaang Barangay ng Bagting.

     Pinaka matinding naranasang pagbaha at pagguho ng kabundukan ng mga residente ay noong isang taon sa kasagsagan ng magkasunod na bagyong Lando, at Nona. Upang kahit paano ay maibsan ang kalamidad na dinaranas sa Gabaldon na damay ang mga karatig bayan at lalawigan, naglulunsad ng iba’t ibang aktibidad ang mga mamamayan para iligtas ang Inang Kalikasan.

     Tinatayang isa lamang kada limang punong itinatanim ang nabubuhay. Nasa isang taon na ang edad ng mga punla ng Narra na itinanim sa watershed ng Segum Creek, kung mabubuhay at aabot sa tatlong taon ay titibay na ito, at inaasahang makakatulong na pigilin ang pagguho ng kabundukan.- ulat Clariza de Guzman