Problema umano ng Gapan South Central School ang pagbaha at matinding traffic ngayong pasukan 2018

Nababahala ngayon ang Gapan South Central School sa pagbabalik eskwela ng mahigit tatlong libong mag-aaral.

Ayon kasi sa kanilang Principal na si Lucila O. Angelo, ang problema ng kanilang paaralan ay matinding pagbaha at traffic kaya’t gusto nila itong masolusyunan.

Pinaalalahanan ni Gng. Angelo ang mag mag-aaral na  ugaliing pumasok ng maaga at sumunod sa patakaran ng eskwelahan.

Samantala, kasabay ng unang araw ng pasukan ay naghatid ng umagahan na sopas at juice ang Mobile Kusina ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga estudyante.

Ang nasabing proyekto ay may temang “Kabataang Pag-asa, Malusog at Masigla, Mobile Kusina ay Kasama, Hain ay Masustansiya.”

Kayat laking pasasalamat ng principal ng Gapan South Central School kay Governor Cherry Umali dahil sa pagbisita ng mobile kusina sa kanilang paaralan sa unang araw ng pasukan. –Ulat ni Phia Sagat