20 adik, sumuko sa Sta Rosa Police Station

20 adik, sumuko sa Sta Rosa Police Station

     Umabot sa dalawampung residente ng Brgy. Inspector na aminadong gumagamit ng ilegal na droga ang sumuko sa bayan ng Sta Rosa, Nueva Ecija.

     Ayon kay P/Insp Jimmy Mananguit ng Sta Rosa Police Station, ang mga drug offender ay kusang sumuko sa kapitan ng naturang barangay at nangakong tatalikuran na ang masamang gawain kasunod ng matinding kampanya ni Pangulong Duterte sa ilegal na droga.

     Sumailalim ang mga drug user sa orientation program bilang bahagi ng rehabilitasyon ng mga lulong sa masamang bisyo.

Mga drug user at pusher, pinakiusapan ng mga pulis na magbagong buhay

Mga drug user at pusher, pinakiusapan ng mga pulis na magbagong buhay

     Bago ang pagsuko, ay nagsagawa muna ng Oplan Tokhang ang mga kapulisan ng Sta Rosa sa bawat barangay upang isa-isang pakiusapan ang mga residente na kabilang sa drug list ng pulisya, na tuluyan ng talikuran ang ilegal na gawain.

     Positibo namang tumugon ang mga pinag-hihinalaan na tulak at gumagamit ng ilegal na droga.

     Isa din sa kinatok ng pulisya ang kinse anyos na binatilyong ito na hinihinalang gumagamit ng shabu at marijuana.

Magsasaka, arestado sa buy-bust operation sa sta rosa

Magsasaka, arestado sa buy-bust operation sa sta rosa

     Samantala, kaugnay pa rin sa matinding kampanya laban sa ilegal na droga ng Sta Rosa Police ay arestado sa buy-bust operation ang isang magsasaka na si Jorwel Bactol, tatlumpu’t apat na taong gulang, residente ng Brgy. Sta Teresita, Sta Rosa.

     Aniya, inutusan lang siya ng kanyang pinsan na nagngangalang Aries sa pagbebenta ng ilegal na droga.

     Inaresto ang suspek sa aktong pagbebenta ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu. Habang nakatakas naman sa isinagawang operasyon ang talagang target ng pulisya na si Aries Torres alyas Evaristo.

     Patuloy umanong paiigtingin ng mga kapulisan ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga. -Ulat ni Danira Gabriel