Dinagsa ng mga katolikong Novo Ecijano ang paggunita ng Ash Wednesday sa Saint Nicholas Cathedral sa Cabanatuan City, sa homiliya, tinalakay ni Reverend Father Joel Cariaso ang kahalagahan ng Solitude, Sacrifice at Sharing sa panahon ng kwaresma.

Solitude, Sacrifice at Share, mensahe ng Ash Wednesday para sa mga katolikong Novo Ecijano.
Pagpapakasakit at pagbabahagi ng mga biyayang tinatanggap mula sa panginoon. Ito ang tampok na mensahe ng Ash Wednesday sa mga deboto ni Hesu Kristo.
Ayon kay Father Joel Cariaso, dapat itong sundin at isabuhay ngayong Holy Week.
Ang Ash Wednesday ang hudyat ng pagsisimula ng Kuwaresma o Holy week, ang pag-obserba ng mga katoliko sa pagpapakasakit at kamatayan ni Hesu Kristo para iligtas ang sanlibutan.
Gaya ng nakagawian, pumila ang mga dumalo sa misa sa Cathedral ng Cabanatuan upang magpalagay ng markang Krus sa noo na sumisimbolo na ang tao ay nagmula sa alabok at babalik dito sa itinakdang panahon.
Ayon kay Clemente Paredes dapat na palaging alalahanin na tayong mga tao ay nilikha lamang ng diyos kaya dapat na magkaroon ng pananampalataya.
Para naman kay Erlinda Hernandez, ang pagpapahid ng abo sa noo ay tanda ng pagsisisi.
Iba-iba man ang ating paniniwala tungkol sa Kwaresma, mahalaga na matutunan at isabuhay natin ang pag-aalay ng ating sarili para sa ating kapwa gaya ng pagkakaloob ng Diyos sa kanyang bugtong na anak upang iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan. -Ulat ni Majoy Villaflor