Pag -unlad, yan ang nangibabaw sa naganap na pagbibigay ng semento ng pamahalaang panlalawigan na dinaluhan ng ina ng lalawigan Congressswoman Cherry Umali.

Kitang-kita sa bawat isa ang pag-asa lalo pa’t nabigay ang isa sa mga pangunahing pangangailangan ng ibat ibang proyekto.

Ang sementong ito ay ibinigay upang makatulong sa pagpapagawa ng kalsada at imprastraktura ng ibat ibang baranggay ng Gapan City.

Nagpasalamat si Honorable Mayor Maricel Natividad sa agarang pagtugon sa panawagan ng tulong para sa Gapan City.

Isang babaeng public servant, may mga responsibilidad man bilang ina ay kitang-kita ang malasakit ng punong lungsod at ina ng lalawigan para sa kanilang nasasakupan.

Ipinahatid din ng ina ng lalawigan ang katumbas na responsibilidad ng sementing inihandog ng Provincial Government.

Bukod dyan, ay nagbigay din ng hamon ang ina ng lalawigan na tunay na makakatulong sa mga mamamayan.

Hindi pa rin tumitigil ang mga proyekto hatid ng Provincial Government para sa mga mamamayan ng lalawigan ng Nueva Ecija.- Ulat ni Amber Salazar