Naupo na sa posisyon bilang bagong presidente ng NEPCI o Nueva Ecija Press Club Inc. si DZRH reporter Grace Sansano, matapos na manumpa sa katungkulan kasama ang iba pang mga halal na opisyales, sa harap ni National Press Club of the Philippines President Joel M. Sy.
Kauna-unahang babae na naging presidente ng NEPCI si Sansano, mula ng ito ay maitatag noong taong 1955, na ngayon ay may apat naput anim na rehistradong miyembro na.
Ayon kay Sansano, malaki ang naging papel ng mga mamamahayag sa naging kasaysayan ng Lalawigan ng Nueva Ecija, bagay na para sa kanya ay isa sa mga naging dahilan kung bakit siya napadpad sa naturang probinsya mula sa pinagmulang Lalawigan ng Aurora.
Nahalal bilang Vice President si Gina M. Caling ng DWNE, Vice President for Print si Emiliano Sapiandante ng NEPCI, at Vice President for Broadcast si Julie Reyes ng Dwne.
Naupo naman sa pwesto bilang Secretary si Ma. Jessica Erana ng Hataw, Treasurer si Elsa Navallo ng Remate, Auditor si Aristotle Vergara ng DWNE at Business Manager si Josima Bondad ng DWNE.
Habang si Light Nolasco ng DWIZ ang nahirang na Chairman ng Board of Directors, at members sina Melicia Ciriaco ng DWNE, Celso Cajucom ng Manila Times, Ferdie Domingo ng Manila Standard, Ryan Sta. Ana, Arthur Reyes ng DWNE, at Milo Salazar ng Dahong Palay.
Samantala, dumalo din sa naturang pagdiriwang sina 3rd District Board Member Nero Mercado at ang Boses ng Katotohanan Philip “DobolP” Piccio ng NE-TV48, bilang kinatawan nina Governor Aurelio Matias Umali at 3rd Disctrict Congresswoman Cherry Domingo Umali.