
6 na hakbang ang dapat sundin sa paggawa ng walis tambo, mula sa paghihimay, pagkikimes, pagsusubo, pagtatanse, pagbabanig, at pagsisimpay
Paggawa ng walis ng tambo sa Barangay Maugat, San Antonio, Nueva Ecija ang isa sa pangunahing kabuhayan ngayon ng mga residente rito.
Tulad na lamang ng pamilya Binuya ng naturang barangay, sipag at tyaga ang naging puhunan ng kanilang pag-asenso.
Noong 1994, nagsimulang maghanapbuhay sa paggawa ng walis si Edgardo Binuya, may-ari ng pagawaan ng walis tambo sa Brgy. Maugat.
Ipinagmamalaki ng pamilya Binuya na ang mga gumagawa ng walis sa kanilang pagawaan ay mula rin sa kanilang barangay.
Tulad ni Erwin Pablo, ito na mismo ang kanyang pinagkakakitaan sa loob ng sampung taon.
Ayon kay Roma, madali lang matutunan ang paggawa nito.
Umaabot ng 15,000 libong piso ang kinikita kada buwan ng pamilya Binuya sa pagwawalis na nagkakahalaga ang bawat piraso ng 60 hanggang 100 piso ang bentahan.
Ayon kay Beverly, kuntento ang kanyang mga magulang na sina Edgardo at Emilinda sa paggawa at pagbebenta ng walis dahil may mga suki na ito mula sa Batangas, Cavite at Divisoria.
Dahil sa kabuhayang ito, masayang ikinuwento ni Beverly na nakapagtapos na siya ng kanyang pag-aaral sa General De Jesus College na may kursong Business in Administration at kasalukuyang pinag-aaral ang dalawa pang kapatid.
Bukod dito, nakapagtayo rin ito ng sariling bahay sa harapan ng kanilang pagawaan.
Sa mga gustOng bumili ng mga materyales at matutunanan ang paggawa nito, bukas ang kanilang pagawaan na matatagpuan sa Brgy. Maugat, San Antonio, Nueva Ecija.-Ulat ni Shane Tolentino