Ligtas at mapayapang halalan ang kinakampanya ng COMELEC sa pagpapa-iral ng Election Period kung saan isa sa kanilang panuntunan ay ang Gun Ban, kasabay nito ang paalala ni Nueva Ecija Provincial Elections Supervisor Atty. Panfilo Doctor Jr. sa mga botante na huwag ipagbibili ang kanilang mga boto.

     Aniya, hindi dapat magpasilaw ang sinumang botante sa mga nag-aalok ng pera kapalit ang kanilang mga boto, dahil ito ay karapatang pumili ng kandidatong sa tingin nila ay karapat-dapat manungkulan sa bayan.

     Samantala, sinimulan na ang Election Period noong Enero 10, kasabay ng pagpapatupad ng Gun Ban, na tatagal hanggang Hunyo 8.

     Ayon kay Atty. Doctor, mahigpit na ipinagbabawal sa panahon ng Election Period ang pagdadala ng baril o ng anumang explosive devices ng walang kaukulang permiso mula sa COMELEC para sa kanilang kampanya sa Safe and Fair 2016 Elections.

     Kaugnay nito, nagsasagawa na ngayon ng checkpoints ang Kagawaran katuwang ang PNP at AFP bilang bahagi ng implementasyon ng naturang panuntunan.