1Bumaba umano ng katumbas na 23.45% o 12, 818 cases ang bilang ng krimen sa Gitnang Luzon mula buwan ng Enero hanggang buwan ng Hunyo ngayong 2015 sa ilalim ng panunungkulan ni OIC Regional Director PCSUPT Ronald Santos kumpara noong nakaraang taong 2014.

Makikita sa pinakahuling tala ng Police Regional Office 3 na iprinisenta sa Regional Peace and Order Council 3 ang pagbagsak ng crime volume sa 41, 833 na kaso na dating 54, 651, kung saan lumagapak sa 23.45% ang average monthly crime rate sa loob ng anim na buwan ngayong taon.

Base sa ulat, tumaas ng 47.09% ang solution efficiency ng Philippine National Police ngunit dumausdos naman ng 8.09% ang naresolbang krimen o 4, 734 cases.

Bumagsak sa 9, 881 ang index crime mula sa bilang ng kaso na 12, 788 noong 2014. Kabilang dito ang mga kaso ng murder,physical injury, rape, robbery, at car napping.

Habang bumaba naman sa 23, 634 ang non-index crime mula sa bilang na 30, 011 cases.

2

Farm helper shot to death by his fellow farm caretaker after heated argument.

 

Aliaga- Patay ang isang barok sa bukid makaraang pagbabarilin ng kasamang katiwala sa Star Farm sa barangay Sto. Tomas, Aliaga.

Kinilala ang biktimang si Wilver Dumpor y Incierto, 36-anyos, tubong Quezon Bukidnon.

Habang ang suspek na mabilis na tumakas matapos mamaril ay si Nicolas Closa alias Nick Batang, dating miyembro ng PNP, nanunuluyan sa nasabing farm.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas dose trenta ng hapon, nagkainitan sa pagtatalo ang suspek at biktima.

Kinuha ng suspek ang kanyang AK-47 Rifle sa multi-cab vehicle at niratrat ang biktima na tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Narekober ng SOCO sa crime scene ang labing isang basyo ng bala ng AK 47.-ulat ni Clariza de Guzman.

Stop Smoking