Mas lumutang ang natural na ganda ng mga dalaga ng ayusan ng make up artist gamit ang cosmetics line ng Sophie Paris sa ginanap na fashion show sa Walter Mart, Cabanatuan City.

Mga product ng sophie paris, inirampa ng mga modelo
Suot ng mga babaeng modelo, maging ng mga binata, at mga bata ang kanilang summer outfit, habang ipinapakita sa mga manunuod ang mga bagong labas na disenyo ng bags, wallet, at sapatos.
Ang Sophie Paris ay isang French Company, lahat ng kanilang produkto ay nanggagaling pa sa bansang Canada. Ilan sa mga produkto ng sophie ay mga bags, cosmetics, sapatos, damit at marami pang iba.
Dumalo sa fashion show ang mga leaders at members ng sophie na nagmula pa sa ibat-ibang bayan ng Nueva Ecija, inimbitahan din nila ang mga hindi pa miyembro sa kanilang organisasyon.
Ayon sa Area Sales Manager na si Jay Abalondo kada buwan ay nagkakaroon sila ng bagong stocks ng bags at wallets, na mabibili ng mga Novo Ecijano at Cabanatueno sa Bussiness Center ng Sophie na matatagpuan sa tapat ng Mega Center cabanatuan city na pag-aari ng ni Angela Ferrer.
Laking pasasalamat naman ni Angela sa lahat ng sumuporta para maging successful ang kanilang event.
Sa panayam ni Mel Guitierrez Regional Manager ng Sophie Paris, hinimok nito ang mga mamimili na tangkilikin ang fashion ng kanilang direct selling company, dahil imported ngunit affordable naman daw ang kanilang mga produkto
Kaya mga Novo ecijano kung gusto mong maging member ng Sophie Paris sa halagang 250 pesos ay mayroon kanang lifetime membership at ma-eenjoy mo na ang ibat-ibang benefits na makukuha mo dito. -Ulat ni Phia Sagat