Mahigit kumulang 500 kabataang Aliagueño ang nagtipon at nanumpa ng paglilingkod sa bayan.

Mahigit kumulang 500 kabataang Aliagueño ang nagtipon at nanumpa ng paglilingkod sa bayan.

     Hinihikayat ng Asensong Aliaga Movement ang mga kabataan na maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagkakaisa upang isulong ang patuloy na pagbabago at pag-unlad hindi lamang ng ating lalawigan kundi maging ng buong bansa.

     Tinalakay sa ginanap na Founding Assembly na dinaluhan ng mahigit kumulang limandaang kabataang Aliagueno ang kahalagahan ng paglahok ng mga kabataan sa nalalapit na eleksyon upang magluklok ng mga susunod na lider ng ating bayan.

Si Konsehal Angelo Vargas, Chairman ng Asensong Aliaga Movement ng Kabataan.

Si Konsehal Angelo Vargas, Chairman ng Asensong Aliaga Movement ng Kabataan.

     Ayon sa Kabataan Partylist, pangunahing batayan sa pagpili ng isang pinuno ay ang prinsipyo ng kandidato, plataporma, at paninindigan sa mga partikular na isyu katulad ng sa edukasyon.

     Tinatayang umaabot sa mahigit dalawampo at limang milyong kabataan ang rehistradong botante, 37% ng kabuuang voting population na may sapat na kapangyarihan na makapag-panalo o makapagpatalo ng kandidato.

     Ngunit hindi lamang sa pagboto natatapos ang tungkulin ng mga kabataan dapat bantayan, protektahan, at tiyakin ng bawat isa na mabibilang ang kanilang boto.

     Higit pa rito ay siguruhin na maglilingkod ang mga halal na opisyal para sa bayan at tutugunan ang interes o kapakinabangan ng mamamayan.- Clariza de Guzman