Hinikayat ni Cluster team leader of Department of the Interior and Local Government of Nueva Ecija Dennis Daquiz na makiisa ang mga Novo Ecijano sa isinasagawang clean up rehabilitation project para sa Manila Bay.
Sa eklusibong panayam kay Daquiz sinabi nito na base sa Mandamus order na mula sa korte suprema ang lahat ng mga ilog na karugtong ng Manila Bay ay kailangang linisin.
Inatasan din na lumahok sa rehabilitasyon ang lahat ng Lokal na Pamahalan ng bawat bayan ng Nueva Ecija maliban sa Munisipalidad ng Nampicuan at Cuyapo.
Paliwanag nito, mahalaga na linisin ang mga ilog, sapa at kanal sa lalawigan dahil ang tubig na dumadaloy sa mga ito ay dumurugtong sa Pampanga River at tumatapon sa Manila Bay.
Ayon kay, DILG Cluster team leader Dennis Daquiz, may ilang residente at Barangay Officials na ang nagtulong -tulong para sa clean up rehabilitation project ng Manila Bay.
Kada Linggo umano ay magsasagawa na ng paglilinis sa mga ilog, sapa at kanal base na rin sa lumabas na alituntunin mula korte suprema.
Dagdag pa nito, laging nakahanda at nasubaybay ang ahensya ng DILG, katuwang ang Department of Environment and Natural Resources at mga Barangay Officials para sa mga ganitong alituntunin at upang suportahan ang lahat ng tutulong sa rehabilitation para sa Manila Bay.