Matapos maisakatuparan ang pagkakaroon ng kauna-unahang HIV/AIDS Treatment Hub sa Premiere Medical Center sa lalawigan ng Nueva Ecija ay pinabasbasan na ito kamakailan kasabay ng pagdiriwang ng World Aids Day.

ISINAGAWA ANG BLESSING NG HIV/AIDS TREATMENT HUB SA PREMIERE MEDICAL CENTER KASABAY NG PAGDIRIWANG NG WORLD AIDS DAY.

ISINAGAWA ANG BLESSING NG HIV/AIDS TREATMENT HUB SA PREMIERE MEDICAL CENTER KASABAY NG PAGDIRIWANG NG WORLD AIDS DAY.

     Matapos ang maikling seremonya sa pagbabasbas sa naturang opisina, ay nagkaroon ng maikling diskusyon patungkol sa naka-ambang pagtaas ng kaso ng HIV sa bansa.

     Ayon sa ulat ni Laila Ramos, Certified DOH HIV Lecturer, dalawampu hanggang dalawamput tatlong katao ang nada-diagnos kada araw na mayroong HIV sa bansa, na lubha aniyang nakaalarma, kaya naman patuloy sila sa pagbibigay ng tamang kaalaman kung paano ito maiiwasan.

SA KANYANG MENSAHE, IPINALIWANAG NI CERTIFIED DOH HIV LECTURER LAILA RAMOS ANG KAHULUGAN NG SAKIT NA HIV/AIDS AT KUNG PAANO ITO MAIIWASAN. KASABAY NITO, TINALAKAY RIN ANG KAMPANYA NG DOH LABAN SA DISKRIMINASYON SA MGA BIKTIMA NG HIV SA BANSA.

      Kabilang din sa tinalakay ay ang kanilang kampanya laban sa diskriminasyon sa mga biktima ng HIV sa bansa, bunsod ng maling perspektibo patungkol sa naturang sakit.

     Paliwanag naman ni PMC, Medical Director na si Dr. Sylvia Yang, hindi dapat matakot o mag-alinlangan ang sinuman na magpa-screen sa TAHANAN sa Premiere sapagkat mananatiling pribado ang anumang maging resulta dito.

     Dagdag pa niya, may nakalaan namang gamot para sa mga nagpositibo sa naturang sakit, ngunit paglilinaw nito, ang gamot na Anti-Retro-Viral Therapy ay hindi tuluyang makalulunas sa sakit kundi makatutulong lamang upang mapabagal ang pagdami at pagkalat ng virus sa katawan ng biktima upang mas humaba pa ang buhay nito.

     Samantala, nagkaroon din ng candle lighting sa naturang selebrasyon kung saan nag-alay ang mga nagsidalo ng maikling panalangin para sa mga biktima ng HIV at sa mga namatay dahil sa sakit.-ULAT NI JANINE REYES.