Nagsampa ng disqualification case si Philip “Dobol P” Piccio sa Commission on Elections laban kay Rossana “Ria” Vergara na kumakandidato bilang Representative ng 3rd District ng Nueva Ecija.

Pinapadiskwalipika ni Dobol P si Ria Vergara sa pagtakbo bilang kongresista ng 3rd District ng Nueva Ecija.

Pinapadiskwalipika ni Dobol P si Ria Vergara sa pagtakbo bilang kongresista ng 3rd District ng Nueva Ecija.

     Sa inihaing petisyon ni Piccio, pinapadiskwalipika niya si Ria Vergara sa dalawang rason; una, dahil bagaman ni-renounce o tinalikuran ni Ria ang  kanyang pagiging American citizen ay hindi pa niya nagagampanan ang panunumpa ng kanyang katapatan sa bansang Pilipinas o oath of allegiance.

     Base sa kanyang affidavit of renunciation of foreign citizenship na kalakip ng kanyang Certificate of Candidacy na may petsang September 4, 2015 na notaryado ni Atty. Cesar Villar tinatalikuran na niya ang kanyang American citizenship.

     Pero hindi ibig sabihin nito na awtomatiko nang iginagawad sa kanya ang kanyang Philippine citizenship.

     Dahil iniaatas ng ating batas, na kailangang sundin ni Vergara ang mga requirements at alituntunin na nakapaloob sa RA 9225 at Bureau of Immigration Memorandum Circular AFF-05-002 kung saan nakasaad na kailangan niyang manumpa ng katapatan sa harap ng Immigration Commissioner bilang panghuling hakbang para maigawad ang pagiging Pilipino o pagkamamamayan ng Pilipinas.

     Ikalawa, kulang si Ria ng labintatlong araw upang makumpleto ang one year residency na isa sa mga requirements sa pagtakbo bilang kongresista.

     Para maging kwalipikadong kandidato sa pagtakbo bilang kinatawan ng distrito, ang kandidato ay dapat na residente ng munisipalidad o lungsod ng atleast one year bago mag-file ng COC.

Ang American passport ni Ria Vergara.

Ang American passport ni Ria Vergara.

     Ipagpalagay nang nasimulan ni Ria ang kanyang paninirahan sa Cabanatuan City noong May 22, 2015 nung dumating siya sa Pilipinas gamit ang kanyang American passport, kulang pa rin siya ng labintatlong araw upang makumpleto ang isang taong residency na requirement bago sumapit ang eleksyon na nakatakda sa May 9, 2016.

     Bukod pa rito, natuklasan ni Dobol P, na nagpahayag ng maling impormasyon ang asawa ni Mayor Jay Vergara sa kanyang COC nang ideklara nito na siya ay twenty-one years and eight months nang residente ng barangay Rizdelis, Cabanatuan City.

Inihain ni Ria Vergara ang kanyang COC kalakip ang kanyang Affidavit of Renunciation of Foreign Citizenship.

Inihain ni Ria Vergara ang kanyang COC kalakip ang kanyang Affidavit of Renunciation of Foreign Citizenship.

     Dahil makikita sa kanyang travel record na ginagamit nya ang kanyang American passport sa kanyang paglalakbay abroad na halos every other month simula taong 2002.

     Batay sa naturang record, 2002 inisyuhan si Vergara ng American passport number 094311393 na nakarehistro pagdating nya sa Pilipinas noong August 15, 2002.

     December 20, 2007 ni-renew ito ng Department of State, USA under passport number 436226189.

     Hanggang sa pinaka huling paglabas ni Ria sa bansa noon lang June 20, 2015 ay ito ang kanyang ginagamit.

     Ngunit June 27, 2015 pagbalik niya dito sa Pilipinas galing ng United Estates, ang ginamit naman nya ay ang kanyang Philippine passport na may numerong #EB1862074, samakatwid, si Ria Vergara ay may dual citizenship- Americana at Pilipino.

     Pero ni-renounce ni Ria ang kanyang pagiging American citizen at naghain ng kanyang COC sa Comelec noong October 15, 2015 para tumakbong kinatawan ng ikatlong distrito. – ulat ni Clariza de Guzman