Tahimik at tuluy-tuloy pa rin ang serbisyo ng local na pamahalaan sa mamamayan ng bayan ng Talugtog sa kabila ng pagkakaroon ng dalawang Punong Bayan dahil ayaw bumaba sa opisina ng suspendidong alkalde na si Mayor Reynaldo Cachuela habang nananatili naman sa tanggapan ng Sangguniang Bayan ang acting Mayor na si Vice Mayor Benjamin Gamit Jr.

1

Mayor Reynaldo Cachuela of Talugtog was suspended by the Ombudsman for dishonesty, abuse of authority, and grave misconduct.

Inamin ni Mayor Rey Cachuela sa ekslusibong panayam ng Balitang Unang Sigaw na patuloy siyang pumapasok sa office of the Municipal Mayor bilang pagpapakita ng kanyang protesta sa three months preventive suspension order without pay na ibinaba ng Ombudsman para sa mga kasong dishonesty, abuse of authority, at grave misconduct na inihain laban sa kanya nina Vice Mayor Gamit, Konsehal Alberto Dante Estillore, at Gerry Agpalo.

Ngunit kahit nananatili aniya siya sa kanyang opisina ay ipinaubaya naman nya sa itinalagang Punong Bayan ng DILG na si Gamit ang pamamahala sa munisipyo dahil iginagalang nya ang batas.

Kinumpirma naman ito sa ating hiwalay na interview kay acting Mayor Gamit.

2

Acting Mayor of Talugtog Vice Mayor Benjamin Gamit Jr.

Paliwanag ni Gamit, nais nilang kusang bumaba sa pwesto si Mayor Cachuelaat hindi nila pinupwersa dahil ayaw nilang magkaroon ng gulo sa bayan ng Talugtog.

Nag-ugat umano ang kaso ni Cachuela noong panahon na Vice Mayor pa siya at i-deny nito kasama ng limang SB members na sina Flora Cinense, Maximo Ancheta, Maximo Ulzano, Philip Bilgera, at Leo Monta ang application ni Mrs. Rhea Jasmin Tobias at i-confirm naman si Mr. Dante Enipto bilang Municipal Budget Officer ng Talugtog.- ulat ni Clariza de Guzman