Pinuntirya sa ulo at dibdib ng riding in tandem ang sekretaryo ng barangay Rajal Centro, Sta. Rosa na si Cecilio Ubaldo.

Pinuntirya sa ulo at dibdib ng riding in tandem ang sekretaryo ng barangay Rajal Centro, Sta. Rosa na si Cecilio Ubaldo.

    Todas ang isang sekretaryo ng barangay matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa kahabaan ng Sta. Rosa-Tarlac road sa Purok 6 ng Rajal Centro, bayan ng Sta. Rosa.

    Kinilala ang biktimang si Cecilio Ubaldo, 59-anyos, may asawa, residente ng naturang barangay.

    Base sa imbestigasyon ng Sta. Rosa Police Station, bandang 10:00 ng gabi, papauwi na ang biktima galing sa inuman sakay ng minamanehong motorsiklo nang sundan at barilin ng dalawang suspek lulan ng isang motor.

    Pinuntirya ng mga suspek gamit ang kalibre .45 baril ang taas ng kanang dibdib at ulo ng biktima na kaagad binawian ng buhay.

Binuntutan at pinagbabaril ng hindi nakilalang suspek si Hilario Vera Cruz Jr. sa Maharlika hi-way, brgy. Baloc, Sto. Domingo.

Binuntutan at pinagbabaril ng hindi nakilalang suspek si Hilario Vera Cruz Jr. sa Maharlika hi-way, brgy. Baloc, Sto. Domingo.

   Samantala, kritikal ang numero uno sa target list sa droga ng Sto. Domingo Police Station makaraang tambangan at ratratin ng hindi nakilalang gun man sa Maharlika Highway, Purok 2 ng barangay Baloc, Sto. Domingo.

     Nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa kanyang tiyan ang biktimang si Hilario Vera Cruz Jr. y Aquino, 33, may asawa, isang magsasaka, dating naninirahan sa barangay Dolores Sto. Domingo, kasalukuyang residente ng barangay Catimon, bayan ng Guimba.

    Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 9:45 ng umaga, tinatahak ng biktima ang naturang kalsada malapit sa simbahan ng San Geronimo sakay ng minamanehong motorsiklo nang buntutan ng hindi nakilalang suspek lulan ng hindi rin natukoy na sasakyan.

     Dinikitan umano ng suspek ang biktima at tsaka binaril ng maraming beses gamit ang isang caliber .9mm na pistola.

    Napag-alaman na ang biktima sangkot sa mga illegal na aktibidad na Gun for Hire, robbery, at may kasong Illegal Possession of Firearms na nakabinbin sa Branch 88 ng RTC Baloc sa Sto. Domingo.

Ang bahay ng biktimang si Lourdes Somera na natagpuang duguan sa loob ng kanyang kwarto.

Ang bahay ng biktimang si Lourdes Somera na natagpuang duguan sa loob ng kanyang kwarto.

    Quezon-Natagpuang patay at duguan sa loob ng kanyang sariling bahay ang isang lola sa barangay Donya Lucia.

Kinilala ng biktimang si Lourdes Bantique y Somera, 61-anyos, isang balo.

    Natuklasan na nawawala ang 32 inches flat screen television ng biktima na hinihinalang ninakaw ng hindi nakilalang suspek.Batay sa pagsisiyasat ng otoridad, 3:00 ng hapon, binisita ni G. Rogelio Bernardo ang biktima sa tahanan nito ngunit nagulat na lamang ito nang madiskubre ang nabubulok na bangkay ng balo na nakahiga sa kama sa loob ng kwarto nito.

Narekober din ng SOCO ang kitchen knife na posibleng ginamit sa pagpaslang sa biktima.  –ulat ni Clariza de Guzman.