Sa harap ng media kahapon ay sinira ng DTI o Department of Trade and Industry ang mga christmas lights na nasabat ng ahensya sa Cabanatuan City na hindi pumasa sa kanilang qualifications.

Ayon kay Provincial Director Brigida Pili, ang mga christmas lights na nasabat ay walang import commodity clearance at seal o selyo, mga bagay na dapat at mahalaga umanong makita sa mga produkto.

Ang mga nakumpiskang ito ay bunga ng masigasig na pagbabantay ng ahensya para sa seguridad ng mga produktong ibinebenta sa merkado.

Bago sirain ang mga nasabat na produkto ay nauna ng tinalakay ng Department of Trade and Industry ang kanilang mga accomplishments sa taong 2017.

Sa loob ng taong 2017 ay pitong Negosyo Center ang matagumpay na nailunsad ng ahensya sa mga bayan ng Nampicuan, Talavera, Llanera, Bongabon, at San Antonio, sa Lungsod Agham ng Muñoz at sa Sm City, habang ngayong taon ay ikinakasa na ang tatlo pa.

Mula naman sa 20 na target ng DTI noong 2017 ay umabot pa sa 25 ang matagumpay na nakapagtapos sa ilalim ng Kapatid Mentor Me Program.

Umabot naman sa tatlong libo pitong daan animnapu’t anim ang benepisyaryo ng siyam na put anim na trainings na isinagawa ng SME Roving Academy Gabay-Negosyo sa Pag-asenso-Ulat ni Getz Rufo Alvaran